Tagalog —

Nagbibigay ang SOS violence conjugale ng libre, bilingual, anonymous at kumpidensyal na mga serbisyo para sa intake at referral sa mga biktima ng karahasan ng ka-partner. Nagbibigay ang resource na ito, na available 24/7, ng access sa mga serbisyo para sa impormasyon, suporta o matutuluyan sa buong Quebec. Ang mga serbisyong ito ay available para sa iyo at sa iyong mga anak.

Available ang mga serbisyo ng SOS sa pamamagitan ng telepono, email, text message o chat. Laging may sasagot na support worker ng SOS sa iyo sa French o English, depende sa kung anong wika ang pinakakomportable mong gamitin, pero nagsasalita rin ng Spanish, Arabic at Italian ang ilan sa aming support worker. Kung gusto mo, susubukan naming humanap ng taong maaaring makipag-usap sa iyo sa sarili mong wika.

Ang pakikipag-ugnayan sa SOS ay hindi maglalagay sa iyo sa kompromisong gumawa ng anumang desisyong may kaugnayan sa iyong partner. Ang tungkulin namin ay ang bigyan ka ng impormasyon at suportahan ka para makagawa ng mga sarili mong desisyon sa kung ano ang gagawin. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin—narito kami para sa iyo.

Chat Services

By chat, we can offer you some time to discuss your situation, to be able to explore the resources that could be useful to you in the future. On average, we are available for about 30 minutes per exchange.

How it works?

Begin